Kabayaran para sa mga biktima ng martial law igigiit sa pangulo

By Chona Yu January 17, 2017 - 03:22 PM

selda-rally
Inquirer file photo

Ihihirit ng Samahan ng mga Ex-datainees laban sa mga Detensyon at Aresto o Selda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga nabiktima ng human rights violation noong panahon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Bonifacio Ilagan na siyang Vice Chairman ng Selda na gagawin nila ito sa nakatakdang meeting ng Selda sa pangulo nagyong araw malacañang.

Ayon kay Ilagan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa tapos ang screening ng claims board kung sino ang mga mapapabilang sa opisyal na tala ng human rights victims na aabot ng 75,000 ang kabuuang mga aplikante ng claims.

Bukod sa paggigiit sa mga probisyon ng Republic Act 10368 para sa kompensasyon ay susubukan din nilang talakayin sa pangulo ang apela para mapalaya ang mga political prisoners partikular ang mga may sakit at matatanda na.

Kasama sa pulong sina dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo, Selda Chairman Marie Enriquez at ilang kamag-anak ng martial law victim.

TAGS: duterte, Martial Law, selda, duterte, Martial Law, selda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.