195 na mga pulis, masisibak sa pwesto matapos magpositibo sa droga

By Ruel Perez January 17, 2017 - 01:22 PM

PNP Drug TestPumalo na sa 195 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test na isinasagawa sa buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Ayon kay Chief Supt. Aurelio Trampe, hepe ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame, 188 na mga uniformed personnel at pito naman na non-uniformed personnel ang nagpositibo sa confirmatory drug test ng shabu.

Ayon kay Trampe, ang resulta ay nakuha mula January 1 ng nakalipas na taon hanggang January 17 ngayong taon.

Bagaman ang bulto ng mga nagpositibo sa confirmatory drug test ay naisagawa simula July 1 sa pag-uumpisa ng war on drugs ng Duterte administration.

Dahil dito, sasailalim sa summary dismissal proceedings ang mga pulis na nagpositibo sa droga

Ayon pa kay Trampe, sa mga nagpositibo, ang may pinakamataas na ranggo ay chief inspector at pinakamababa ay PO1.

Umaabot sa kabuuan na 167,852 personnel ang dumaan sa mandatory random drug test ng PNP.

 

TAGS: drug test, PNP, drug test, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.