Sunud-sunod na aksidente, naitala ng MMDA sa EDSA at C5 sa loob ng 2-oras

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2017 - 09:49 AM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Sa pagitan lamang ng alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga, nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng walong magkakasunod na aksidente sa EDSA at sa C5 at sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa abiso sa twitter ng MMDA, alas 7:04 ng umaga nang maganap ang aksidente sa EDSA corner Shaw Boulevard southbound sangkot ang isang SUV at motorsiklo.

Agad itong nasundan ng isa pang aksidente sa bahagi naman ng EDSA at Ortigas intersection sangkot din ang isan motorsiklo at isang bisikleta alas 7:33 ng umaga.

7:35 naman ng umaga, naitala ng MMDA ang aksidente sangkot din ang motorsiklo at isa namang kotse sa bahagi ng C5 Lanuza northbound.

Sa parehong oras, nakapagtala din ng vehicular accident sa C5 Bagong Ilog Flyover southbound sangkot ang isang motorsiklo at SUV.

Sa Sampaloc Maynila naman, sa AH Lacson Avenue, isang pampasaherong jeep at dalawang kotse ang nagkarambola alas 7:50 ng umaga. 8:31 na ng umaga nang maialis sa lugar ang tatlong sangkot na sasakyan.

Makalipas ang ilang minuto o alas 7:59 ng umaga, dalawang bus ang nagbanggaan sa EDSA Annapolis at 8:16 na ng umaga nang matanggal sa lugar ang mga bus kaya nagdulot ito ng lalong pagbabagal sa daloy ng traffic.

Samantala, alas 8:00 ng umaga, dalawang kotse naman ang nagbanggaan sa EDSA southbound Arayat at tumagal ng halos 30-minuto sa lugar ang mga sangkot na sasakyan.

Maliban sa mga aksidente, may mga iniulat din ang MMDA na mga sasakyang nasiraan, partikular sa Commonwealth Avenue, EDSA Main Avenue southbound, EDSA Guadalupe northbound.

Kaninang madaling araw, nagresulta ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa Ortigas extension sa Taytay, Rizal ang aksidenteng kinasangkutan ng dalawang truck.

Bagaman walang napaulat na nasaktan, maraming motorista ang naperwisyo sa aksidente dahil humambalang sa kalsada ang dalawang truck.

 

 

TAGS: accident in Metro, mmda, accident in Metro, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.