Mga estudyanteng na-stranded sa mga paaralan sa Cagayan de Oro City, umaga na nakauwi

Photo from Cagayan De Oro City FB page
Photo from Cagayan De Oro City FB page

Matapos unti-unting humupa ang tubig baha sa Cagayan De Oro City, ngayong umaga lamang isa-isang nakalabas ng eskwelahan ang mga na-stranded na mag-aaral at faculty members.

Bago mag alas 6:00 ng umaga napayagan na ang mga malalaking sasakyan na makatawid sa mga binahang kalsada, kaya ang mga mag-aaral at staff ng University of Science and Technology of Southern Philippines ay nasundo na at nakauwi na sa kanilang mga bahay.

Sa nasabing paaralan na nag-overnight ang mga estudyante at guro matapos na hindi sila makalabas kahapon dahil sa taas ng tubig-baha.

Bagaman, suspendido na ang klase sa Cagayan De Oro City hanggang High School, ipinaubaya naman ng pamahalaang lungsod ang sa mga school executives ang papapasya para sa College Levels.

Ang pamunuan ng mga mall, pinayagan naman ang mga stranded na publiko na manatili sa kanilang pasilidad sa magdamag gaya ng SM, Centrio at Limketkai mall.

Kahapon, bigo nang makauwi ang maraming residente sa Cagayan De Oro City matapos na magtuloy-tuloy ang pag-ulan mula tanghali hanggang gabi na nagresulta ng hanggang sa dibdib na taas ng tubig baha.

 

 

Read more...