Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA mga lalawigan sa Mindanao
(2nd update) Dahil sa Low Pressure Area at tail-end ng cold front, malakas at patuloy na pag-ulan pa rin ang nararanasan sa maraming lalawigan sa Mindanao.
Sa 10AM advisory ng PAGASA, itinaas ang yellow warning level sa mga lalawigan ng Camiguin, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Siargao Islands, Agusan del Norte at AgusandelSur.
Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha ang mga residente sa mabababang lugar at naninirahan sa mga baybayin.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, at sa Basilan.
Mamayang ala una ng hapon muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa mga lugar na apektado ng LPA at tail-end ng cold front.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.