5 empleyado ng MMDA, kukuwestyunin sa sunog sa kanilang main office

By Kabie Aenlle January 17, 2017 - 04:19 AM

 

fireHindi bababa sa limang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang posibleng maparusahan dahil sa hindi pagsunod sa tamang emergency protocol nang magkaroon ng sunog sa kanilang main office sa Makati City noong Biyernes.

Nagsimula ang sunog dakong alas-2:00 ng hapon sa records room ng opisina, kung saan nakalagay ang mga dolumento para sa Commission on Audit (COA).

Pawang mga dokumento mula 2014 hanggang 2016 ang nasunog, bagaman hindi naman nila natukoy kung anong partikular na mga dokumento ito.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, ilang emergency response personnel ang maaring masuspinde dahil sa kanilang mga pagkukulang, dahil sila ang dapat na tumiyak na nasusunod ang mga fire safety measures.

Ani Orbos, nang maganap ang sunog, walang ni isang fire alarm ang gumana, walang nanguna sa paglilikas sa mga empleyado ng MMDA, at hindi rin gumana ang kanilang mga fire extinguishers.

Dagdag pa niya, bilang bahagi ng MMDA, dapat alam nila kung ano ang mga gagawin sa oras ng sakuna, kaya naman isang malaking katanungan para kay Orbos kung bakit hindi umubra ang kanilang mga protocols.

Naglunsad naman na ang MMDA ng internal investigation kaugnay ng insidente, habang nagsasagawa na rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Philippine National Police (PNP) ng parallel investigation.

Sa paunang imbestigasyon ng BFP, lumabas na faulty wiring ang naging dahilan ng sunog. / Kabie Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.