Klase ngayong Martes sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, suspendido dahil sa ulan at flashflood

 

Sec. Judy Taguiwalo/Twitter

Dahil rin  sa patuloy na nararanasang malalakas na ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, nag-anunsyo na ang mga lokal na pamahalaan ng suspensyon ng klase sa ilang mga paaralan.

Narito ang listahan ng mga walang pasok ngayong araw ng Martes, January 17, 2017:

– Bohol (preschool to high school)
– Lapu-Lapu City (preschool to high school, public)
– Negros Oriental (preschool to high school, public and private)
– Cagayan de Oro City (preschool to high school)
– La Salle Academy-Iligan (all levels)
– Oroquieta City (elementary to high school)
– University of Science and Technology in the Philippines sa Cagayan de Oro (kabilang ang senior high school)
– Lourdes College sa Cagayan de Oro

Samantala, itinaas naman na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang code red sa Cagayan de Oro City, matapos na umabot sa critical level ang taas ng tubig sa Iponan River.

Dahil dito, ipinatupad na ng lokal na pamahalaan ang forced evacuations sa mga Barangay Tumpagon, Pigsag-an, Lumbia, Tuburan, Pagalungan, Sansimon, Iponan, Bulua, Pagatpat at Canitoan.

Nagtaas na rin ng red alert status ang CDRRMO sa Oroquieta City dahil na rin sa nararanasan na pagbabaha sa kanilang lugar.

Naglabas na rina ng PAGASA ng Heavy Rainfall Advisory sa Mindanao, at itinaas ang red rainfall warning sa Misamis Oriental kasabay ng paalala na posibleng magkaroon ng marinding pagbabaha sa mga mabababang lugar.

Read more...