Lalim ng pagkakasangkot ng anak ng MNLF leader sa Davao bombing, sinisiyasat ng AFP

By Kabie Aenlle January 17, 2017 - 04:23 AM

 

Davao blast5Posibleng may kinalaman ang anak ng isang leader ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagbibigay ng mga kinakailangang gamit ng mga suspek sa Davao bombing para maisakatuparan ang nasabing krimen.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, base sa kakaunting impormasyon pa lang na mayroon sila, maaring ang partisipasyon ng anak ng MNLF leader ay nasa logistics side ng isinagawang krimen.

Ang tinutukoy ng AFP ay ang 26-anyos na si Datu Mohammad Abduljabbar Sema, na anak nina dating Cotabato mayor at MNLF leader Muslimin Sema at ni Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema.

Paliwanag ni Padilla, maaring may pinahiram o ibinigay si Sema sa mga nagsagawa ng pagpapasabog upang mapabilis ang kanilang mga paggalaw.

Pero hihintayin pa rin aniya muna nila ang kabuuan ng magiging report ng mga imbestigador upang mabuo nila kung ano talaga ang naging partisipasyon ni Sema sa pagsabog na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat naman ng 70 iba pa.

Itinuturo ng mga otoridad ang teroristang Maute group bilang nasa likod ng pagsabog na ito, ngunit hindi pa naman matiyak ng AFP kung kasapi ba ng grupo si Sema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.