Alvarez: Duterte, malabong magpatupad ng martial law

By Kabie Aenlle January 17, 2017 - 04:00 AM

 

Inquirer file photo

Pinawi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pangamba ng mga mamamayan tungkol sa pinakahuling pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay ng pagpapatupad ng martial law.

Sa isang pahayag, iginiit ni Alvarez na wala sa ugali ni Duterte ang magpatupad ng martial law, tulad ng sinabi nito sa talumpati na baka gawin niya ito oras na lalong lumala problema ng iligal na droga sa bansa.

Inulit pa ni Alvarez ang dati na niyang sinabi na personal niyang kilala ang pangulo, at buong puso siyang naniniwalang hindi magdedeklara si Duterte ng martial law.

Diskarte lang aniya ito ni Duterte para bigyang diin ang kaniyang determinasyon na manalo sa laban kontra iligal na droga.

Malabo rin aniyang gawin ito ng pangulo, lalo pa sa panahong nananalo na ang administrasyon sa giyera nito kontra iligal na droga.

Dagdag pa ni Alvarez, isang abogado ang pangulo at batid nito ang mga limitasyon ng Konstitusyon tungkol sa pagdedeklara ng martial law.

Isang patunay rin aniya ang matataas na trust and approval ratings na natatamasa ni Pangulong Duterte, na ginagawa nito ang tamang gawain.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.