Isang sampung talampakang sawa ang nahuli sa loob ng isang bahay sa Moriones, Tondo, Maynila.
Kwento ni ginoong Boy Tacud, may-ari ng bahay, napansin niyang may kumakaluskos sa ikatlong palapag ng kanyang bahay.
Inakyat niya ito dahil sa pag-aakalang may nakapasok na magnanakaw.
Laking gulat niya nang makita ang dambuhalang sawa na tinatayang sampung talampakan ang haba.
Agad niya itong itinawag sa barangay ang nakita na agad namang nirespondehan.
Nang mahuli, agad inilipat naman sa kustodiya ng Don Bosco Police Community Precint ng nasabing ahas.
Nakitaan rin ng sugat sa ulo ang ahas.
Nakatakda namang i-turnover sa Manila Zoo ang kustodiya ng nahuling sawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.