Rep. Sahali-Tan, pinayagan ng Sandiganbayan na makasama sa peace talks sa Rome

By Isa Avendaño-Umali January 17, 2017 - 01:03 AM

Mula sa congress.gov.ph

Pinayagan ng Sandiganbayan si Tawi-Tawi Rep. Ruby Sahali-Tan na makalabas ng bansa ngayong Enero.

Batay sa pasya ng 6th division ng anti-graft court, pinahihintulutan si Tan na mag-abroad mula January 17 hanggang 30, 2017.

Ito’y upang makadalo sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines sa Rome at makipag-pulong sa Filipino communities sa France.

Sa inihaing mosyon ni Tan, inimbitahan umano siya at iba pang mambabatas ni Chief Negotiator Silvestre Bello na sumama sa peace talks na isasagawa mula January 18 hanggang 25, 2017.

Si Tan ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa mga patakaran sa disclosure ng State of Assets, Liabilities and Networth o SALN noong bise gobernador siya mula taong 2008 hanggang 2013.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.