5 patay, higit 15 pa sugatan sa pamamaril sa night club sa Mexico

By Kabie Aenlle January 17, 2017 - 04:16 AM

 

gunHindi bababa sa limang katao ang nasawi, habang nasa 15 naman ang sugatan sa pamamaril sa isang night club sa resort town na Playa del Carmen sa Mexico.

Naganap ang insidente sa labas ng Blue Parrot night club habang kasagsagan ng BPM electronic music festival, Lunes ng madaling araw sa Mexico.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang Canadians, isang Italian at isang Colombian.

Ayon sa attorney general ng Quintana Roo state na si Miguel Angel Pech, ang apat sa mga nasawi ay pawang mga bahagi ng security detail sa festival.

Ayon kay Pech, nagsimula ang pamamaril dakong alas-2:30 ng Lunes ng madaling araw, oras sa Mexico.

Isang gunman aniya ang pumasok sa naturang night club at nag-umpisang makipagbarilan sa isa pang tao sa loob.

Sinubukang awatin ng festival security ang insidente, ngunit pati sila ay pinaputukan.

Nilinaw naman ni Pech na ang insidente ay hindi isang terrorist attack.

Ayon naman sa state police director na si Rodolfo del Angel, nag-ugat sa iringan sa pagitan ng ilang tao sa loob ng club ang barilan, at nadamay ang mga guwardiya nang tangkain nilang awatin ang mga ito.

Sa pahayag naman ng organizers ng BPM, ikinalungkot nila ang nasabing “senseless act of violence” na nangyari sa kanilang festival, at tiniyak na makikipagtulungan sila sa mga otoridad para sa isasagawang imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.