Mga kumpanya ng langis may price rollback simula bukas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis bukas January 17.

Ang Caltex ay magpapatupad ng P0.30 centavo rollback sa kada litro sa gasolina, P0.35 sentimo kada litro sa Diesel at P0.40 sentimo sa gaas simula alas-sais ng umaga.

Kaparehong pagtapyas din sa presyo ng gasolina at diesel ang ipapatupad ng Petron bukas 12:01 ng madaling araw.

Ang Eastern Petroleum ay magro-rollback ng P0.35 sentimo kada litro sa gasolina at P0.20 sentimo kada litro sa diesel alas-sais ng umaga bukas.

Umaabot naman sa P0.20 sentimo kada litro sa gasolina at P0.35 sentimo rollback naman sa diesel ang sa PTT, Shell at Flying V.

Magro-rollback din ng presyo ang kerosina ng Flying V, Shell at Caltex umpisa bukas.

Simula noong buwan ng Disyembre ay umabot na sa halos ay P3 ang naidagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil naman sa kada linggong oil price hike.

Read more...