outbrain

Narco-general inakusahang padrino ng pulis na sabit sa kidnapping ng isang Koreano

By Ruel Perez January 16, 2017 - 07:40 PM SHARE(S):

Dela Rosa Crame1Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na may padrinong opisyal ng PNP si SPO3 Ricky Sta. Isabel kaya ito nakapasok noon sa AIDG o Anti-illegal Drugs Group ng PNP.

Ayon kay Dela Rosa, una palang sinubukang pumasok noon ni Sta. Isabel sa AKG o Anti-kidnapping Group pero hindi ito tinanggap.

Lumapit umano ito sa isang mataas na opisyal na nagsilbi nitong padrino kung kaya naipasok si Sta Isabel sa AIDG.

Samantala, kinumpirma din ni Bato na kabilang sa narco-generals na pinangalanan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsilbing padrino ni Sta. Isabel pero tumanggi itong pangalanan ni dela Rosa.

Samantala, sa kabuuan ay tatlong aktibong pulis at retiradong police official ang sangkot sa pagkidnap sa Koreanong si Jee Ick-joo.

Mayroon din aniyang isang Korean national silang pinaghahanap na itinuturong kasabwat, habang tatlong iba pa ang patuloy na tinutukoy ang pagkakakilanlan.

TAGS: dela rosa, korean, narco general, PNP, dela rosa, korean, narco general, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.