Pag-veto sa proterty tax discount para sa mga seniors at solo parents sa QC ipinagtanggol
Idinepensa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pag-veto nito sa ordinansang nagbibigay ng discount sa mga senior citizens at mga solo parents sa property tax.
Ayon kay Bautista, walang sapat na datos ang mga nagsusulong nito sa dami ng mga senior citizens at solo parents na maaring magbenipisyo dito kaya magiging pahirapan ang pagsukat sa epekto nito.
Dagdag ng alkalde, wala ring inilatag na malinaw na mekanismo at guidelines para sa maayos nitong implementasyon.
Nilinaw ni Bautista na hindi siya kontra sa nasabing panukala at gusto lamang niya ay ipatupad ito sa 2018 sa halip na ngayong taon para masaliksik ang mga kinakailangang datos at mabalangkas ang implementing guidelines para dito.
Maliban dito, kailangan ding pag-aralan ang magiging impact nito sa special educarion fund na kinukuha sa koleksyon ng real property tax.
Ang special education fund ang pondo na ginagamit para pondohan ang pagpapagawa ng karagdagang paaralan sa lungsod na ngayong nakakaranas ng 250 classroom deficiency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.