2 patay sa aksidente ng bus sa Quirino Highway, boundary ng Caloocan at Quezon City

August 12, 2015 - 09:18 AM

Valisno Accident Jan
Kuha ni Jan Escosio

(updated) Dalawa ang patay at labinganim ang nasugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng Valisno Bus sa Quirino Highway sa boundary ng Caloocan at Quezon City.

Binangga ng Valisno Bus na may plate number TXV 715 at biyaheng Grotto sa San Jose Del Monte Bulacan ang arko na naghahati sa Caloocan at Quezon City.

Dalawa ang agad na nasawi sa aksidente. Ang mga nasugatan ay ginagamot sa nasabi ring ospital kasama na ang kunduktor ng bus na si Ferdinand Dacusan.

Ayon kay Dacusan, nagche-check siya ng ticket habang binabagtas ng bus ang Quirino highway at nagulat na lamang siya nang bigla silang bumangga. Nagtamo ng sugat sa kanang binti si Dacusan.

jun corona (1)
Kuha ni Jun Corona

Sa lakas ng pagkakabangga, wasak na wasak ang kanang bahagi ng bus. Natapyas din ang harang sa kanang bahagi ng nasabing pampasaherong bus.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Eduardo Gabon, 39 anyos at residente ng Tala Caloocan, habang ang babaeng nasawi ay hindi pa nakilala dahil walang nakuhang ID mula dito.

Ayon kay SPO1 Ferdinand Paglinawan ng Quezon City Traffic Sector 2, sa labinganim na sugatan na isinugod sa Tala Hospital, dalawa ang seryoso ang kondisyon.

Pawang sugat aniya sa ulo at bali sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng mga pasahero./Jan Escosio, Erwin Aguilon

TAGS: Caloocan accident, valisno accident, Caloocan accident, valisno accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub