Pulis na sangkot sa pagdukot sa isang Korean national sa Angeles City, sumuko na sa NBI
Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pulis na sangkot sa pagdukot sa isang Korean national sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, si SPO3 Ricky Sta. Isabel ay sumuko sa NBI ngayong umaga.
Tinawagan din ni Aguirre si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa para ipaalam ang pagsuko ng pulis.
Si Sta. Isabel ay pangunahing suspek sa pagdukot sa Korean businessman na si Jee Ick-Joo noong October 2016.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Dela Rosa na sumuko na nga ang nasabing pulis.
Maliban kay Sta. Isabel, tatlong pulis pa ang sangkot sa pagdukot sa nasabing dayuhan, isa dito ay retirado na at ang dalawa ay pawang non-commissioned officers.
Natukoy ang pagkakadawit ni Sta. Isabel sa pagdukot sa dayuhan dahil sa nakuhang footage sa security camera.
Umabot umano sa P5 milyong piso ang unang demand para sa ikalalaya ng dayuhan na binayaran naman ng pamilya nito, per humingi pa umano ng dagdag na P4.5 million ang mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.