Pre-emptive evacuation ipinatupad na sa Mandaue City dahil sa patuloy na pag-ulan

Nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa mga barangay sa Mandaue City dahil sa pagbaha na dulot ng malakas na ulan.

Iniutos ni Mandaue City Mayor Gabriel Luis Quisimbing ang pre-emptive evacuation sa aabot sa animnapung pamilya na naninirahan sa Barangay ng Paknaan, Alang-Alang at Canduman na kalapit lamang ng umapaw na Butuanon River.

Inatasan na rin ng alkalde ang mga tauhan ng City Social Welfare Office na ihanda ang relief goods para sa mga pamilyang inilikas.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Mandaue City kung kakailanganing ipatupad ang forced evacuation kung magtutuloy-tuloy ang pag-ulan.

Samantala, dahil din sa pagbaha, nagpatupad na rin ng pre-emptive evacuation ang Talisay City government sa mga pamilyang naninirahan sa Managa River.

 

 

Read more...