Klase sa mga lalawigan sa Visayas, sinuspinde dahil sa malakas na pag-ulan
Dahil sa nararanasan malakas na buhos ng ulan na dulot ng umiiral na Low Pressure Area (LPA), nagsuspinde na ng klase sa lalawigan ng Cebu ngayong araw ng Lunes, January 16.
Sinuspinde ni Cebu Governor Hilario Davide III ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan mula pre-school hanggang High School.
Tuloy-tuloy kasi ang pag-ulan sa lalawigan, bunsod ng LPA na nasa bahagi ng Eastern Samar.
Nauna nang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa mga public school si Mandaue City Mayor Luigi Quisumbing.
Samantala sa Tacloban City, suspendido na rin ang klase sa preschool, elementary at high school para sa mga public at private schools.
Sa Biliran, suspendido na rin ang klase sa elementary at high school dahil sa malakas na ulan.
Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga ay nakataas ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Cebu gayundin sa Leyte at Southern Leyte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.