Serbisyo ng Globe, balik normal na matapos makaranas ng ilang oras na problema

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2017 - 06:47 AM

Simula kagabi, maraming netizens ang nagpahayag ng reklamo sa twitter at facebook hinggil sa naranasan nilang problema sa serbisyo ng globe.

Ayon sa mga apektadong subscribers, hindi sila maka-text at makatawag. Dahil sa dami ng nag-tweet na subscribers, nag-trending pa ang “globe” sa twitter.

Nag-number 6 sa Philippines trends sa Twitter ang “globe” dahil sa nasabing problema.

Sa paliwanag ng Globe, nakaranas sila ng system downtime na naka-apekto sa kanilang data browsing, SMS at calls. Naibalik na umano sa normal ngayon ang kanilang serbisyo.

Ayon sa Globe, ilang subscribers lamang ang nakaranas ng problema.

Pinayuhan din nito ang mga apektadong subscribers na i-off muna ang kanilang cellphones at saka muling buksan kung hanggang sa ngayon ay nararanasan pa nila ang kawalan ng serbisyo.

 

 

TAGS: Globe Advisory, Globe service, system downtime, Globe Advisory, Globe service, system downtime

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.