Eroplano, nag-emergency landing dahil sa ‘bomb threat’

By Kabie Aenlle January 16, 2017 - 04:17 AM

 

File photo

Kinumpirma ng isang tagapagsalita ng Lufthansa airline na nag-emergency landing nga ang kanilang budget unit na Eurowings sa Kuwait.

Papunta sana sa Cologne, Germany ang nasabing eroplano mula sa Salalah, Oman, ngunit bigla itong nag-emergency landing sa Kuwait dahil hinihinalang mayroong bomba sa loob nito.

Gayunman, sinabi ng tagapagsalita na wala silang nakitang ebidensya na mayroon nga talagang bomba sa eroplano.

Nagsagawa aniya sila ng mga preliminary investigations at natiyak naman nila na wala talagang bomba sa eroplanong sinasakyan ng 287 na pasahero at 10 crew.

Nakatakda naman nang matuloy ang flight ng mga pasahero papunta sa Germany, ngunit pansamantala ay nilisan muna nila ang eroplano at sila ay nasa hotel muna habang hinihintay ang mga detalye ng kanilang flight.

Sa parehong eroplano pa rin naman sasakay ang mga nasabing pasahero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.