12-anyos na dalagita patay, ina sugatan sa pagsabog sa Basilan

 

Patay ang isang 12-taong gulang na batang babae sa pagsabog ng bomba sa Lamitan, Basilan Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, bukod sa batang biktima, nasugatan rin sa pagsabog ang ina nito.

Nag-aani umano ng mga tanim ang mga biktima nang maganap ang pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device (IED).

Itinanim umano ang bomba ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa gilid ng kalsada sa bulubunduking bahagi ng Bgy. Sabong.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente.

Read more...