Makalipas ang 146 taon, opisyal ng hihinto sa pagpapalabas ang ‘Greatest Show on Earth circus’ ng Ringling Brothers. At Barnum & Bailey sa Amerika.
Ang naturang ‘circus’ ay nakilala noon bilang institusyon sa Estados Unidos sa pagpapalabas ng mga animal perfomances at makapigil-hiningang palabas at stunts.
Gayunman, umani ito ng batikos mula sa mga animal rights groups nitong mga nakalipas na taon dahil sa anila’y paggamit ng mga hayop sa kanilang palabas.
Sa statement ng Feld Entertainment, may-ari ng Ringling Bros. and Barnum & Bailey Circus, sinabi na nitong mga nakalipas na taon, patuloy na bumaba ang kita ng produksyon.
Lalo pa anilang bumagsak ang ticket sales ng ‘circus’ nang kanilang itigil ang paggamit ng mga elepante sa kanilang mga show.
Gayunman, aminado rin ang kumpanya na malaking bahagi ng pagbagsak ng kanilang kita ang pagbabago ng panahon at ang pagpasok ng teknolohiya sa buhay ng mga kabataan.
Nakatakda ang huling performance ng ‘The Greatest Show On Earth’ sa buwan ng Mayo.
Ireretiro at ilalagay naman sa mga ‘shelter’ ang mga hayop tulad ng leon, tigre, camels at mga donkey sa pagsasara ng circus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.