Mga ‘young professionals’ hinimok na lumahok sa ‘reserve corps’-AFP

By Kabie Aenlle January 16, 2017 - 04:00 AM

 

Mula sa Wikipedia

Nananawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga professionals at mga estudyante na sumali sa reserve corps ng militar bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, mataas ang tingin nila sa ginagampanan ng mga reservists para makamit nila ang kanilang mga misyon.

Hindi lang aniya basta force multipliers ang mga reservists, kundi sila rin aniya ay mahalagang “component and partners” sa iba’t ibang non-lethal military operations at activities.

Sinabi ni Año ang panawagang ito kasunod ng promotion ng 11 na senior officers ng AFP Reserve Command (AFPRESCOM), kung saan anim na colonels ang na-promote sa pagiging brigadier general, habang lima naman ang naging colonel mula sa pagiging lieutenant colonel.

Pinuri naman ni Año ang mga reservists dahil kahit walang tinatanggap na bayad ang mga ito, patuloy pa rin silang tumutulong sa mga misyon ng AFP sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang panahon at talento.

Nananatili aniya ang mga ito na “committed, dependable, and ready to be deployed” sa tuwing sila ay kakailanganin ng AFP.

Umaasa naman si AFP public affairs chief Col. Edgard Arevalo na mas maraming mamamayan ang maging commissioned reserve officers.

Ani pa Arevalo, ang pagbabantay sa bayan ay obligasyon ng bawat mamamayan, kaya naman naniniwala aniya sila na magandang training para sa mga tao ang reservist programs para maihanda sila sa tungkuling ito.

Sa ngayon ayon kay Arevalo, mayroong 385,000 na reservists ang AFP, at 78,000 sa kanila ay “ready reserve” o nasa constant alert at training.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.