Airforce pilot, patay sa fighter jet crash sa air show sa Thailand
Patay ang isang Thai airforce pilot matapos bumagsak ang kanyang fighter jet sa isang air show sa Bangkok, Thailand.
Naganap ang insidente sa gitna ng pagdiriwang ng Children’s Day ng Bangkok.
Nabatid na habang lumilipad sa Hat Yai airbase ang JAS 39 Gripen jet, ay bigla na lang itong bumulusok habang nasusunog pababa.
Iniimbestigahan na ng Ministry of Defense ang nasabing insidente at kung ano ang naging dahilan ng pag-crash ng fighter jet.
Kasunod nito, nagpahayag ng pakikisimpatya si Thailand Prime Minister Prayuth Chan-ocha sa pamilya ng nasawing piloto.
Kasabay ng pagdiriwang ng Children’s Day sa Thailand ang pagpapalipad ng ilang fighter jet sa military bases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.