Alkalde ng San Pedro, Laguna pinagpapaliwanag sa pagkakadawit sa insidente ng harassment 

By Ricky Brozas January 15, 2017 - 12:40 PM

san pedroHiniling ng mga residente ng pinag-aagawang lupain sa San Pedro, Laguna sa kanilang alkalde na si mayor Lourdes Cataquiz na magpaliwanag hinggil sa pagkakadawit ng kanyang tanggapan sa mga nagaganap na harassment sa kanilang lugar.

Ito ay sa gitna ng pagtataka ng mga residente sa Hacienda de San Pedro de Tunasan na nasa bayan ng San Pedro kung bakit mula sa tanggapan ng alkalde ang ilang gamit ng mga armadong lalaking ilang beses nagpaputok ng mga armalite sa kanilang lugar.

Ayon kay Levi Lobo Jr., naninirahan sa lugar, ilan din mismo sa mga sumalakay at pilit na pumapasok sa hacienda ang nagpakilalang mula sila sa Office of the Mayor.

Aniya, noong Enero 5, pinaulanan ng bala ng M16 ng grupo ng mga lalaki ang kanilang lugar na naulit noong Enero 8 ng taong kasalukuyan.

Mas natakot anya sila noong Enero 9 dahil bukod sa pamamaril ng armalite ay pinaputukan din sila ng tatlong rocket propelled grenade.

Ang lupa, batay sa Original Certificate of Title 656 at Transfer Certificate of Title 166689 na inisyu ng Land Registration Authority (LRA) ay pag aari ng isang Carlos Young.

Gayunman, inaangkin din ito ng kampo ni Laperal alinsunod naman sa hawak nito OCT at TCT na nang suriin ay tumutukoy sa lupain sa bahagi ng Taytay, Rizal.

TAGS: Carlos Young, Hacienda de San Pedro de Tunasan, laguna, Lourdes Cataquiz, San Pedro, Carlos Young, Hacienda de San Pedro de Tunasan, laguna, Lourdes Cataquiz, San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.