DOJ, nagtalaga na ng bagong piskal na hahawak sa kaso ng dinukot na Koreyanong negosyante sa Angeles city
May bago nang piskal na hahawak sa kaso ng dinukot na negosyanteng Koreano na sinasabing biktima umano ng “tokhang for ransom.”
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, si Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon ang hahawak na ng reklamong isinampa ng PNP-anti kidnapping group kaugnay ng pagkawala ni Jee Ick Joo.
Si Jee ay napaulat na dinukot mula sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga matapos ang sinasabing drug operation nuong October 18, 2017.
Walo ang hinihinalang sangkot sa operasyon na kinabibilangan ng isang pulis na may ranggong SPO3 o Senior Police Officer 3 at pinangalanan nang respondent sa reklamong nakabinbin sa DOJ.
Pinalitan ni Villordon si Assistant State Prosecutor Hjalmar Quintana na nauna nang nag-inhibit makaraang maghain ng motion for inhibition ang kampo ng respondent na pulis.
Kasabay nito, tiniyak naman ni aguirre ang mabilis na pag-usad ng reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-AKG laban sa tatlong napangalanang respondent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.