Pugot na ulo, nakitang palutang-lutang isang creek sa Makati City

By Cyrille Cupino January 15, 2017 - 11:29 AM

Google map
Google map

Isang pugot na ulo ang natagpuang palutang-lutang sa isang creek sa Makati City.

Kwento ng construction worker na si Rodel Drece, may inaayos siya sa tulay sa EDSA-Kalayaan, bahagi ng Brgy. Pitogo at Brgy. Pinagkaisahan nang makita niya ang inaanod na ulo ng tao.

Akala umano niya noong una na ulo lamang ng mannequin ang kanyang nakita, pero laking-gulat niya nang malamang sa tao ito.

Ayon kay Southern Police District Director Sr. Supt. Tomas Apolinario, pinaniniwalaang babae ang may-ari ng ulo, at kulot ang buhok nito.

Hindi naman umano residente ng nasabing barangay ang biktima, at wala ring report ng bangkay na nawawala sa area ng Southern Police District.

Nakikipag-ugnayan naman ngayon ang Makati Police sa Bulacan Provincial Police matapos lumabas ang report na isang katawan na walang ulo ang natagpuan sa Sta. Maria, Bulacan.

Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang malaman kung magma-‘match’ ang ulo at ang nakitang katawan sa Bulacan.

Sa ngayon, nasa Veronica Funeral Homes sa Pasay City ang nakuhang pugot na ulo.

TAGS: Brgy. Pinagkaisahan, Brgy. Pitogo, makati city, Brgy. Pinagkaisahan, Brgy. Pitogo, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.