Matapos ang linggo-linggong taas-presyo, magkakaroon ng kaunting rollback ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Inaasahang bababa ang presyo mula P0.40 hanggang P0.50 kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Sa ngayon, wala pang kumpanya ng langis ang pormal na nag-anunsiyo ng araw ng pagpapatupad nito.
Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.