Kampanya vs kriminalidad ng Duterte administration, nakapagtala ng mataas na public approval rating ayon sa survey

 

Nakuha ang administrasyong Duterte ng pinakamataas na approval rating kaugnay sa pagsugpo ng krimen.

Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, 84 percent ang aprubado sa kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad sa kabila ng mga natatanggap na kritisismo mula sa international communities at human rights group.

4 percent naman ang labag dito habang 12 percent ang hindi pa desidido.

Lumabas rin sa December 2016 Nationwide Survey on National Administration Performance Ratings na umabot na 80 percent ang panatag sa disaster response, 76 percent sa paglaban sa korapsyon, 75 percent sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers, 72 percent sa kapayapaan, at iba pa.

Batay pa sa resulta, 63 percent mula sa 1,200 respondents ang personal na inaalala ang kalusugan ngayon.

Sa Visayas at Mindanao, partikular na nais maresolba ang estado ng pag-aaral na may 51 percent habang 55 percent naman ang pag-aalala na maging biktima ng krime mula sa Class bracket ABC.

Ayon sa Pulse Asia, ang pagtataas ng mga bilihin at pagbawas ng kahirapan ang tanging bumaba kumpara sa isinagawang survey noong September 2016.

Isinagawa ang naturang survey mula December 6 hanggang 11, 2016 sa pamamagitan ng face-to-face interview saaa Metro Manila, ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Read more...