Nakatakdang buksan ng Metropolitan Manila development Authority (MMDA) ang access road sa Quezon City sa Pebrero.
Layon nitong mabawasan ang bigat ng trapiko sa Edsa kung saan nakatayo ang ilang malls.
Gamit ang two-lane road sa Vertis North ng Ayala Land sa bahagi ng Edsa northbound, ipinaliwanag ni MMDA officer-in-charge General Manager Tim Orbos na hindi na kakailanganing dumaan ng mga motorista sa highway para makapunta sa Landmark at Trinoma.
Sa ngayon, umaabot sa Edsa-Quezon Avenue intersection ang naidudulot na bigat ng trapiko dahil sa mahahabang pila ng mga sasakyang papasok sa mga mall
Oras na makumpleto ng mga opisyal ng Ayala Land ang pagbuti sa naturang kalsada, magiging bukas na ito sa magagaang sasakyan maliban sa UV Express vans sa susunod na buwan.
Samantala, bubuksan na rin ng ahensiya ang U-turn slot sa center island ng Veterans Memorial Medical Center upang makaluwag ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.