Mindanao, inaasahang magbebebenipisyo sa State visit ni Japan PM Abe

 

Inaasahang ang Mindanao ang magbebenepisyo sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa bansa.

Bago umalis patungong Sydney, Australia, nangako si Abe ng suporta sa peace process at progreso sa Mindanao.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, magbubukas ito ng dagdag-puhunan at pag-unlad sa Mindanao dahil sa dami ng Japanese business leaders na nakikiisa sa delegasyon ng prime minister.

Paliwanag pa ni Lopez, makakatulong rin ito upang maging kampante ang mga investor sa Mindanao.

Nagpapakita aniya ito na maraming lugar sa Mindanao ang magandang pagsimulan ng negosyo.

Read more...