Maglalaan ang lokal na pamahalaam ng Makati ng kabuuang labing limang milyong financial assistance sa mga rehiyon ng Bicol at Mimaropa.
Ito ay bunsod ng naidulot napinsala ng Bagyong Nina sa nasabing rehiyon.
Inaprubahan ng Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) ang Resolution No. 2017-01 sa pamimigay ng pondo sa dalawampu’t pitong local government units sa probinsya ng Quezon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Marinduque.
Magmumula ang tulong-pinansyal mula sa Quick Response Fund ng lungsod.
Sa inilabas na pahayag ni Mayor Abigail Binay, nakakalungkot aniya ang sinapit ng mga karatig-bayan kasabay ng Kapaskuhan.
Ayon naman kay DRRMC officer Richard Raymund, makakatanggap ng P250,000 hanggang isang milyong piso ang kada LGU at inaasahang aabot sa labing apat na libong pamilya ang maaabutan ng naturang benepisyo.