Mag-asawang senior citizen, pinatay sa Cavite

By Rod Lagusad January 15, 2017 - 05:24 AM

cavitePatuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang karumal-dumal na pagpatay sa mag-asawang senior citizen sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Garita-A sa Maragondon , Cavite.

Kinilala ang mga biktima na si Linis Muncal, 70 taong gulang na isang retired employee at ang kanyang asawana si Cecilia Fello Muncal, 68 taong gulang na isa namang retired teacher.

Ayon kay Cavite Police Provincial Office (PPO) Acting Director Senior Superintendent Arthur Velasco Bisnar, na meron ng “persons of interest” ang mga imbestigador sa kaso.

Kaugnay nito, hindi pa idinetalye ni Bisnar ang pagkakalilanlan ng mga ito dahil sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa motibo sa mga biktima.

Sinabi naman ni Police Officer 2 Teddy C. Labampa, ang imbestigador ng naturang kaso na sinaksak sa leeg ang mga biktima at natagpuang magkahiwalay sa kanilang bahay ng bandang 6:30 pm noong Huwebes ng kanilang kamag-anak na nakatira lang malapit sa bahay ng mga biktima.

Dagdag pa ni Labampa na kanilang tinitingnan ang motibo sa pamamaslang ay ang pagnanakaw kung kaya kanilang inaalam kung ano maaring ninakaw sa bahay ng mga biktima.

TAGS: cavite, Cavite Police Provincial Office, patay, senior citizen, cavite, Cavite Police Provincial Office, patay, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.