Robredo, naalarma sa ‘tokhang for ransom’

ROBREDO NEW YEARNaalarma si Vice President Leni Robredo sa pagkakadawit ng isang pulis sa pagdukot sa isang South Korean national.

Ayon kay Robredo ginagamit na mga tiwaling mga pulis ang droga bilang rason.

Dagdag pa ng bise presidente na hindi na lang pagpatay kung hindi meron na rin kaso ng mga kidnapping.

Ang naturang komento ay sinabi ni Robredo sa isang news conference pagkatapos siyang bumista sa female dormitory ng Cebu City Jail at sa Operation Second Chance Center na para sa mga kabataang may nalabag na batas.

Kaugnay ito ng ginawang paglutang ng asawa ng South Korean kidnap victim na nawawala pa noong Oktubre at idinawit ang isang pulis sa naturang krimen.

Read more...