Mga pulis, bawal makipag-selfie sa mga Miss Universe candidates

By Rod Lagusad January 15, 2017 - 05:14 AM

Miss UniversePinagbabawalan ang mga pulis na nakatalaga para bantayan ang seguridad ng mga Miss Universe candidates na bibisita sa Davao City sa susunod na linggo na makipag-selfie sa mga ito.

Ayon kay Southern Mindanao Police Chief Supt. Manuel Gaerlan na kahit ang mismong kandidata ang mismong gustong magpa-picture ay bawal.

Ipinagbabawal din ang pagkuha ng mga pulis ng litrato ng mga kandidata.

Dagdag ni Gaerlan na ayaw nilang makaabala ito sa tungkuling ginagampanan ng mga pulis.

Sa oras na meron pulis ang mag-post ng selfie kasama ang kandita sa Facebook ay agad itong iimbestigahan ni Gaerlan.

Hindi baba sa 12 mga kandidata ang inaasahang darating sa lungosd para sa gaganaping fashion event kung saan tampok ang mga fabric mula sa Mindanao na gawa ng mga Mindanao designers sa darating na January 19.

TAGS: Davao City, facebook, fashion event, Mindanao designers, miss universe, selfie, Davao City, facebook, fashion event, Mindanao designers, miss universe, selfie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.