Signal jamming, ipinatupad na rin para sa Sinulog Festival sa Cebu
Pansamantalang pinutol ng National Telecommunications Commission (NTC) ang signal ng cellphone simula kahapon ng alas tres nang madaling araw bilang parte ng mahigpit na seguridad sa pagdiriwang na Sinulog Festival sa Cebu City.
Partikular na apektado ng naturang signal jamming ang mga lungsod ng Cebu, Talisay, Mandaue, Lapu-lapu maging ang mga bayan ng Consolacion, Cordova, Liloan at Minglanila.
Sa panahon na may signal jamming ay ginagamit ng mga residente ang telepono, land-based internet connection at FireChat mobile application sa naturang lugar upang makatawag at makapagbukas ng Facebook at email.
Sa isang post sa Facebook, humingi ng paumanhin si Cebu City Mayor Tomas Osmeña sa naging hakbang na ito ng city hall.
Ngunit paliwanag nito, parte ito ng itinalagang seguridad ng lungsod bunsod ng mga nangyaring terror threats sa bansa.
Nakabalik ang cellphone signals kahapon ng alas otso ng gabi pagkatapos ng misa na pangungunahan ni Bishop John Du ng Diocese of Dumaguete.
Samantala, muling ipinatupad ang signal jamming ngayong araw simula kaninang alas tres nang madaling-araw hanggang alas siyete ng gabi para sa gagawing Sinulog Grand Parade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.