Tiwala at respeto ng publiko sa NCRPO, tumaas batay sa isang survey

By Angellic Jordan January 14, 2017 - 03:08 PM

NCRPONakakuha ang National Capital Region Police Office ng mataas na public trust rating mula sa isinagawang survey ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Mula sa 50.78 percent, tumaas ng 1.22 percent ang tiwala at respeto ng publiko sa naturang sangay ng Philippine National Police.

Batay sa resulta ng survey, pumalo sa 42.7 percent mula sa 29.3 percent ang lebel ng seguridad habang 19.8 percent ang inangat ng naiulat na krimen ng NCRPO.

Maliban dito, lumabas din sa naturang survey ang mabilis na pagresponde ng NCR police sa mga reklamo ng publiko.

Binati naman ni Police Director Oscar Albayalde, Regional Director ng NCRPO, ang nasasakupan nito bunsod ng positibong resulta ng survey mula sa 570 respondents sa piling barangay sa Metro Manila.

Dagdag pa nito, magsisilbi aniyang inspirasyon at hamon upang pagbutihin pa lalo ang serbiyso sa publiko.

TAGS: National Capital Region Police Office, National Police Commission, Philippine National Police, public trust rating, National Capital Region Police Office, National Police Commission, Philippine National Police, public trust rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.