Japan, muling nagsagawa ng nuclear test matapos ang 2011 Fukushima disaster
Pinagana ng Kyushu Electric Power ang unang nuclear reactor nila sa Sendai plant sa Japan bilang hudyat ng pagsisimulang muli kahapon ng nuclear test sa ilalim ng bagong safety standards at nuclear policy ni Prime Minister Shinzo Abe.
Ang pagpapagana ng reactor ng Kyushu Power Plant ay kauna-unahan mula nang maganap ang Fukushima Disaster noong 2011.
Batay sa polisiya ng pamahalaan ng Japan, binuksang muli ang mga reactors upang mabawasan ang bill sa pagkonsumo ng enerhiya, ngunit sinasabi ng mga opinion polls na karamihan sa publiko ay di sang ayon sa aksyong ito ng kanilang pamahalaan.
Nagdulot ng krisis sa nuclear plants sa Japan apat na taon na ang nakalipas mula sa Fukushima Disaster.
Nasimulan man ang operasyon ng naturang planta, aabot pa ng ilang araw bago manumbalik ang enerhiyang ilalabas ng reactor.
Ayon naman sa pinuno ng Japan’s atomic watchdog, ang bagong polisiya ay nagtatakdang hindi na muling mauulit ang Fukushima disaster, bagaman hindi parin kampante ang mga nagpoprotesta sa labas ng Sendai plant, na hindi na muli itong mangyayari.
Ayon naman kay Abe, tanging ang mga reactor lamang ang irerestart, upang makasunod sa panuntunan at regulasyong hinihingi ng international communities.
Ang Sendai plant ang pinakamalayong reactor mula sa Tokyo./Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.