2016 Miss Universe organizers, nangangamba sa seguridad ng mga kandidata sa Davao City

By Len Montaño January 14, 2017 - 03:04 PM

Wanda TeoAminado ang Department of Tourism na punong-abala sa Miss Universe 2016 na may agam agam sila sa peace and order situation sa Davao.

Pahayag ito ni Tourism Secretary Wanda Teo, kasabay ng pagkumpirma na kakaunting Miss Universe candidates ang pupunta sa Davao City.

Takot anya ang organizers sa seguridad ng mga kandidata dahil na rin sa pagsabog noong September 2, 2017.

Ito ang naging dahilan kaya naglabas ng travel advisory ang ilang bansa, kasama na ang Amerika kung saan pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan lalo na sa pagpunta sa Mindanao.

Labing pitong kandidata lamang ang pinayagan na pumunta sa isang fashion show at ibang aktibidad na gaganapin sa Davao city sa January 19.

Nahirapan umano ang kalihim na anyayahan ang maraming kandidata na sumama sa event dahil sa peace and order sa lugar.

TAGS: Davao City, Department of Tourism, miss universe, Tourism Secretary Wanda Teo, Davao City, Department of Tourism, miss universe, Tourism Secretary Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.