Daan-daang pusa sa New York, nagpositibo sa Bird flu virus

By Len Montaño January 14, 2017 - 03:03 PM

Nee York Google Map
Nee York Google Map

Naka-quarantine ngayon sa New York ang daan-daang mga pusa matapos silang magpositibo sa bird flu virus.

Apektado ng virus ang mga pusa sa isang shelter ng animal rescue organization na Animal Care Center.

Ayon sa New York city health department, unang pagkakataon itong nagkaroon ng bird flu sa mga pusa.

Ang bird flu virus ay karaniwan sa mga manok pero na nahahawa na rin ang tao.

Hindi pa malinaw sa health department kung paano kumapit ang virus sa mga pusa.

Pero pinawi naman ng New York health department ang pangamba ng mga mamamayan.

Ayon sa ahensiya, mababa ang posibilidad na magkaroon ng malawakang contamination ng virus sa tao.

TAGS: Bird Flu, New York, New York health department, Bird Flu, New York, New York health department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.