Palasyo, iginiit na iginagalang ni Duterte ang batas

 

Pumalag ang Malacañang sa pagturing ng US-based Human Rights Watch kay Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga malalakas na lider na hindi umano kumikilala sa batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang katotohanan ang label dahil iginagalang ng pangulo ang rule of law.

Hindi lamang anya nakikita ng grupo ang ginagawa o katangian nito bilang isang tunay na lider.

Ang pangulo anya decisive, man of action at authoritative, bagay na hindi raw katanggap-tanggap sa liberal media o liberal political order.

Iginiit ni Abella na hindi dapat nakasentro sa individual rights kundi sa kapakanan ng mas maraming tao o bansa.

Ginawang halimbawa ni Abella si Lee Kuan Yew na istrikto at binabatikos ng mga human rights groups pero napabuti at napaunlad nito ang Singapore.

Read more...