Ginagawang hanging bridge sa Iligan City, malapit ng matapos
Malapit nang matapos ang hanging bridge na pinagawa ng Department of Public Works and Highway sa Barangay Lanipao, Iligan City.
Ang nasabing tulay ay pinagawa ni Public Works Secretary Mark Villar kasunod ng viral photo at video ng dalawang batang estudyante habang tumatawid sa lubid para lamang makapasok sa kanilang paaralan.
Ayon kay Villar, napanood niya ang nasabing video at na-antig sa istorya ng mga bata na buwis-buhay ang pagtawid sa lubid para lang makapasok sa paaralan.
Sa kanyang Facebook page, ipinakita pa ni Villar ang larawan ng ginagawang tulay sa Sitio G’tum.
Nakalagay din dito ang caption at sinasabing malapit nang matapos ang tulay na sinimulan noong Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.