Kanselado na ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International airport ngayong Sabado, January 14, dahil sa masamang panahon.
Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority, kasenselado na ang biyahe ng PAL express na 2P 2079, Manila patungong Catarman, 2P 2080, Catarman patungong Manila, 2P 2021 at 2022, Manila-Masbate-Manila.
Maliban dito, kanselado na rin ang Cebu Pacific na may flight 5J 821 at 822 biyahe Manila-Virac-Manila.
Batay sa pinakahuling weather update ng PAGASA, huling namataan ang Low Pressure Area sa layong 125 kilometers sa Silangan Hilangang-silangan ng Catarman, Northen Samar.
Inaasahang magdudulot ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Bicol region, Quezon province at, sa bahagi ng Northern at Eastern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.