Ayon kay Peace Process Secretary Jesus Dureza, nananatili aniya siyang “hopeful” at “optimistic” sa pagresolba sa naturang isyu.
Pinoproseso na aniya ng gobyerno ang hiling ng komunistang grupo na pagpapalaya sa mahigit apat na raang bilanggong political prisoners.
Paliwanag pa nito, pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino sa mga bilanggo ang papalayain at pananatilihin sa kulungan.
Ayon naman kay Silvestre Bello III, Labor secretary at chief negotiator, asahan ang pirmahan ng final peace deal sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Samantala, gaganapin ang susunod na 5-day talks sa Rome, Italy simula January 19 kung saan kasamang pag-uusapain ang social at economic reforms.