Mga naarestong Chinese national sa Resort and Casino ni Jack Lam, naghain ng counter-affidavit sa DOJ

By Rod Lagusad January 13, 2017 - 07:44 PM

Inquirer Photo Tetch Torres
Inquirer Photo Tetch Torres

Biktima umano ng illegal recruitment at fishing expedition ang mga Chinese nationals na naaresto sa Fontana Resort and Casino ni Jack Lam ng mga opisyal na gobyerno ng Pilipinas.

Sa joint counter-affidavit na isinumite sa Department of Justice (DOJ) ng kanilang mga abogado na sina Jonathan Sarte at Irene Bianca Distura, kanilang kinwestyon ang pagsasagawa ng preliminary investigation ng DOJ.

Binigyang diin sa ounter-affidavit of the 39 Chinese nationals na ang DOJ ay ang nagsisilbing complainant, prosecutor at judge kung saan hindi na sila umaasa ng isang patas na pagdinig at naniniwala sila na paglabag ito sa due process.

Sa naturang affidavit din ay kanilang kinwestiyon ang validity ng mission order ng Bureau of Immigration (BI) na siyang gimanit bilang basehan ng paglalabas ng earch warrant.

Kaugnay nito, ang ginamit na mission order sa pag-raid sa Fontana Resort and Casino ay hindi naglalaman ng partikular na pangalan o deskripsyon na siyang pwedeng isailalim sa beripikasyon at imbestigasyon.

 

 

TAGS: Chinese nationals arrested at Jack Lam's Fontana Resort, DOJ, Fontana Resort, Jack Lam, Chinese nationals arrested at Jack Lam's Fontana Resort, DOJ, Fontana Resort, Jack Lam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.