Maliliit na negosyante sa mga lalawigan na maaapektuhan sa paghihigpit sa 5-6, pauutangin ng DTI
Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na unahing pautangin ang mga maliliit na negosyante sa malalayong probinsya kasunod ng pahayag ng Department of Justice (DOJ) laban sa 5-6 o ang sistema ng pagpapautang mga bombay.
Ayon kay DTI undersecretary Teodoro Pascua ng consumer protection group, inaayos na nila ang paraan kung paano pauutangin ang mga maliit na negosyante kapag tuluyan ng maipatupad ang bagong batas.
Ang pondo aniya ay idadaan sa mga micro lending institutions kung saan hindi lalagpas sa 26 percent ang interest sa isang taon o hindi tataas sa 3 percent kada buwan.
Maaaring pautangin ng dti ang mga may-ari ng small businesses mula sa minimum na 5,000 pesos at maximum na 300,000 pesos.
Pero nilinaw ng opisyal na hindi naman tuluyang babawalan ng ahensya ang mga bombay na magpautang ng ‘5-6’ bagkus ay makikipag-kumpetensya ang dti sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.