Biko, suman, kutsinta at mongo soup, inihain ni Pangulong Duterte kay PM Abe

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2017 - 10:32 AM

Photo via SAP Sec. Bong Go
Photo via SAP Sec. Bong Go

Pawang kakanin at mongo soup ang ipinakain ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japan Prime Minister Shinzo Abe nang ito ay bumista sa kaniyang bahay sa Davao City.

Photo via SAP Sec. Bong Go
Photo via SAP Sec. Bong Go

Ayon kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go, biko, suman, kutsinta at mongo soup ang inihain ni Pangulong Duterte kay Abe.

Sa mga larawang ipinadala sa media ni Sec. Go, ipinakita rin ni Pangulong Durterte kay Abe ang kaniyang kwarto kasama ang kulay puti na kulambo na kaniyang ginagamit sa pagtulog.

Si Pangulong Duterte ay hindi nakakatulog nang walang kulambo.

Sinabi ni Go na umabot sa 45-minuto ang pananatili ni Abe sa bahay ng pangulo.

Matapos ang almusal sa bahay ni Duterte, sina Abe at Duterte ay kapwa nagtungo naman sa Waterfront Hotel para sa meet and greet sa mga negosyante.

 

TAGS: Davao City, Japan Prime Minister Abe, Rodrigo Duterte, Davao City, Japan Prime Minister Abe, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.