53 kandidata para sa Miss Universe 2016, nasa bansa na

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2017 - 10:27 AM

Miss UniverseNasa 53 na mula sa 87 kandidata sa Miss Universe 2016 pageant ang nasa bansa na.

Ayon kay Sr. Supt. Emmanuel Licup, Staff for Operations ng binuong Security Task Force for Miss Universe 2016 ng Philippine National Police (PNP), kaninang ala una ng madaling araw, umabot na sa 53 kandidata ang nakarating sa bansa.

Patuloy pa aniya ang pagdating ng mga kandidata sa susunod na mga araw.

Ayon kay Licup, bilang bahagi ng seguridad na ipatutupad, isa bawat apat na kandidata ang itatalagang tauhan ng Police Security and Protection Group (PSPG).

May seguridad na ring inilatag sa lahat ng venue na pagdarausan ng bawat event sa Miss Universe gayundin sa mga hotel na tutuluyan ng mga kandidata.

Maging sa isasagawang convoy, sinabi ni Licup na inalerto na ang lahat ng local police sa lahat ng lugar na daraanan ng mga sasakyan.

Sa ngayon sinabi ni Licup na plantsado na at walang nakikitang problema sa seguridad sa lahat ng lugar na pagdarausan ng mga programa para sa Miss Universe hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan.

 

 

TAGS: 2016, miss universe, 2016, miss universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.