Nakatanggap ng text message ang mga tauhan ng Taguig City police na nagbibigay impormasyon sa operasyon ng suspek na si Argeline Ingaram.
Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili ng marijuana kay Ingaram sa parking lot ng isang bar sa BGC at doon na inaresto ang suspek.
Ayon kay Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Taguig City police, nakuha kay Ingaram ang P500 na halaga ng marijuana.
Supplier din umano ng ecstasy sa lugar ang suspek.
Katwiran naman ng suspek, inutusan lang siya ng isang kaibigan na ideliver ang package sa BGC at hindi umano niya alam na marijuana pala ang laman nito.
Nahaharap si Ingaram sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.